KUNG MALIMOT MO AKO
Salin ni L mula kay Neruda
Kung malimot mo ako
Gusto kong malaman mo ang isang bagay.
Alam mo kung paano ito:
Kung titigan ko
Ang kristal na buwan, ang pulang sanga
Ng mabagal na taglamig sa aking bintana,
Kung hahawakan ko,
Malapit sa apoy,
Ang di-mahipong abo
O ang kulubot na katawan ng troso
Ang lahat ay magdadala sa akin sa iyo
Para bang ang lahat ng naririto sa mundo,
Mga amoy, liwanag, bakal
Ay mga maliliit na bankang naglalayag
Tungo sa mga isla mong naghihintay sa akin.
Puwes, ngayon,
Kung unti-unti ay titigilan mo akong mahalin
Titigilan kitang mahalin nang unti-unti.
Kung bigla
Ay malimot mo ako
Huwag mo na akong hanapin
Pagkat ikaw ay limot ko na
Kung sa isip mo'y sobrang haba at hibang
Ang hangin ng mga banderang
Dumaraan sa aking buhay, at
Iwanan ako sa dalampasigan
Ng pusong aking pinag-ugatan
Tandaan mong
Sa araw na iyon,
Sa oras na iyon,
Itataas ko ang aking mga bisig
At ang mga ugat ko ay hahayo
Upang humanap ng panibagong lupa.
Ngunit, kung bawat araw,
Bawat oras,
Nararamdaman mong ako ang kapalaran mo,
Sa di-mapigilang tamis,
Kung bawat araw isang bulaklak
Ang aakyat sa iyong mga labi upang hanapin ako
Ay mahal,
Ay, irog ko,
Sa akin ang lahat ng apoy ay mauulit
Sa akin ay walang matutupok o malilimot
Ang aking pag-ibig ay nabubuhay
Sa iyong pag-ibig, mahal
At hanggang ikaw ay buhay,
Mananatili ito sa iyong mga kamay
Nang hindi umaalis sa akin.
Salin ni L mula kay Neruda
Kung malimot mo ako
Gusto kong malaman mo ang isang bagay.
Alam mo kung paano ito:
Kung titigan ko
Ang kristal na buwan, ang pulang sanga
Ng mabagal na taglamig sa aking bintana,
Kung hahawakan ko,
Malapit sa apoy,
Ang di-mahipong abo
O ang kulubot na katawan ng troso
Ang lahat ay magdadala sa akin sa iyo
Para bang ang lahat ng naririto sa mundo,
Mga amoy, liwanag, bakal
Ay mga maliliit na bankang naglalayag
Tungo sa mga isla mong naghihintay sa akin.
Puwes, ngayon,
Kung unti-unti ay titigilan mo akong mahalin
Titigilan kitang mahalin nang unti-unti.
Kung bigla
Ay malimot mo ako
Huwag mo na akong hanapin
Pagkat ikaw ay limot ko na
Kung sa isip mo'y sobrang haba at hibang
Ang hangin ng mga banderang
Dumaraan sa aking buhay, at
Iwanan ako sa dalampasigan
Ng pusong aking pinag-ugatan
Tandaan mong
Sa araw na iyon,
Sa oras na iyon,
Itataas ko ang aking mga bisig
At ang mga ugat ko ay hahayo
Upang humanap ng panibagong lupa.
Ngunit, kung bawat araw,
Bawat oras,
Nararamdaman mong ako ang kapalaran mo,
Sa di-mapigilang tamis,
Kung bawat araw isang bulaklak
Ang aakyat sa iyong mga labi upang hanapin ako
Ay mahal,
Ay, irog ko,
Sa akin ang lahat ng apoy ay mauulit
Sa akin ay walang matutupok o malilimot
Ang aking pag-ibig ay nabubuhay
Sa iyong pag-ibig, mahal
At hanggang ikaw ay buhay,
Mananatili ito sa iyong mga kamay
Nang hindi umaalis sa akin.