Sunday, July 26, 2020

SAPAT NA Salin mula kay Pablo Neruda

Sapat na ang iyong dibdib para sa aking puso,
at ang aking pakpak sa iyong paglaya.
Mula sa aking labi, nagbangon patungong langit
ang umiidlip sa ibabaw ng iyong kaluluwa.

Nasa iyo ang ilusyon ng bawat araw.
Sumapit kang parang hamog sa nakatanghod na bulaklak.
Ginugunaw mo ang abot-tanaw sa iyong paglisan.
Habambuhay na paroo't parito tulad ng alon.

Nabanggit kong umaawit ka sa hangin,
gaya ng mga acacia at gaya ng mga vinta.
Katulad nila ika'y matikas at di palaimik,
at malungkot ka, bigla-bigla, tulad ng isang biyahe.

Iniipon mo ang mga bagay sa iyo na parang matandang kalye.
Napupuno ka ng mga alingawngaw at mga sinalumang tinig.
Gumising ako at minsa'y lumipad at nangibang-bayan
ang mga ibon na nagsipaghimbing sa iyong kaluluwa.

No comments: